Mahigit isang libo inaasahang sasali sa Peñafrancia Marathon 2023

NAGA CITY – 100% nang handa ang Caceres Runners Club (CRC) na siyang mangunguna sa paparating na Peñafrancia Marathon sa Setyembre 3 taong kasalukuyan.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Charles William Menes, miyembro ng CRC, ito ang kanilang handog para kay Inang Peñafrancia. Mapupunta ang pondo ng nasabing aktyibidad sa mga retired priests at mga outreaches program tulad ng pamimigay ng food packs at school supplies sa mga komunidad.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Mayroong apat na kategoriya ang nasabing marathon tulad ng 5K, 10K, 21K at 42K. Sa ngayon, tapos na ang pagpaparehistro at inaasahang dadaluhan ito ng mahigit isang libong mula sa iba’t-ibang lugar sa rehiyon tulad ng Albay, Sorsogon at Camarines Norte. Mayroon ding nakapagrehistro mula pa sa labas ng Bicol kagaya ng Metro Manila, CALABARZON, Davao at Cebu.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Magsisimula ang takbuhan sa SM City Naga sa ganap na alas-2  ng umaga sa Setyembre 3. Magkakaroon rin ng Pre-Race Briefing sa Setyembre 2 sa nasabing mall.

Dagdag pa ni Menes, wala namang inaasahang magiging problema sa daloy ng trapiko dahil patuloy ang koordinasyon nila sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng Public Safety Office, Philippine National Police at KABALIKAT upang masiguro na rin ang kaligtasan ng mga tatakbo.