Mahigit 9 na libong indibidwal target na mabakunahan kontra COVID- 19 sa Camarines Norte sa ika- apat na round ng National Vaccination days na magsisimula ngayong araw

CAMARINES NORTE- Aarangkada na muli simula ngayong araw, March 10 ang ika- apat na round ng National Vaccination Days na tatagal hanggang sa Sabado, March 12.

Ayon sa Department of Health target na mabakunahan kontra COVID- 19 sa Camarines Norte ang nasa 9, 294 na indibidwal.

Kabilang sa mga babakunahan ang mga indibidwal na hindi pa natuturukan ng second dose para maging fully vaccinated.

Babakunahan din ang natitirang Senior Citizen na kabilang sa A2, nalalabing 12- 17 taong gulang at booster doses sa health and economic sector.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Pinakamarami ang target na mabakunahan sa Daet na may 1, 701 na sinusundan ng Labo na may 1, 467, Jose Panganiban 912,  Basud 816 at Paracale na mayroong  809.

Pinakakaunti naman ang target sa San Vicente na mayroon lang 230.

Sa virtual Press conference nitong Miyerkules inihayag ni Dr. Monrey Isaiah Mancilla ng DOH- Bicol na kaya magkakaraoon ng ika- apat na round ng Pambansang Bakunahan ay upang mapataas pa ang bilang ng mga taong may proteksyon kontra COVID- 19.

Kung marami ang bakunado ay mataas umano ang tsansa na peotektado ang komunidad na isa sa mga criteria sa pagbaba ng Alert Level.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Sa kasalukuyan ay nasa ilalim ng Alert Level 2 ang Camarines Norte.

Ani Mancilla, ang mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 ay may mataas na immunization coverage.

Matatandaan na sa ikatlong round ng Bayanihan Bakunahan na ginawa noong Pebrero ay nalagpasan ng Camarines Norte ang target nitong bakunahan kontra COVID- 19.

Sa datos ng Department of Health sa target na 19, 623 nakapagbakuna ang lalawigan ng nasa 27, 438 o katumbas ng 140 % accomplishment.