Mahigit 81, 600 na indibidwal sa Camarines Norte hindi pa bakunado kontra COVID- 19

CAMARINES NORTE- Umaabot pa sa 81, 642 indibidwal sa lalawigan ng Camarines Norte ang hindi pa nakakatanggap ng kahit isang shot ng bakuna kontra COVID- 19.

Batay ito sa datos ng Provincial Covid- 19 vaccination operation Center hanggang nitong Sabado, Agosto 20, 2022.

Pinakamarami ang hindi pa nababakunahan sa bayan ng Labo na may 20, 437 indibidwal.

Sa target population na 75, 275 nasa 54, 838 o 72. 9 percent ang nakatanggap na ng first dose habang 49, 075 o 65. 2 percent ang fully vaccinated.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

3, 041 naman ang nakatanggap na ng unang booster shot  o 4 percent at 139 ang nabakunahan ng second booster o . 18 percent.

Sa bayan ng Paracale ay  mayroong pang 15, 143 hindi pa bakunado habang sa Jose Panganiban ay  nasa 12, 142 ang hindi pa bakunado.

Sa kabuuan nasa 357, 740 ang nabakunahan na kontra COVID- 19 sa buong lalawigan o 81. 2 percent sa target population na 434, 382.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Sa bilang na ito nasa 318, 897 ang fully vaccinated o 73. 4 percent.

Mababa pa rin ang bilang ng mga nababakunahan ng booster shot.

Nasa 38, 284 ang nakatanggap ng unang booster o 8.8 percent habang nasa 2, 427 naman ang nakatanggap ng ikalawang booster o 0. 56 percent.