162, 957 na mga estudyante sa Camarines Norte papasok sa eskwela para sa School Year 2022- 2023

CAMARINES NORTE- Aabot sa 162, 957 ang mga estudyanteng papasok sa elementary at high school ngayong School Year 2022- 2023 sa lalawigan ng Camarines Norte.

Sa impormasyong nakalap ng Brigada News FM Daet mula kay Division Administrative Officer V at Information Officer Antonio Ahmad nasa 145, 494 ang mga estudyanteng papasok sa mga pampublikong paaralan.

Nasa 17, 192 naman ang mga estudyante sa private school na karamihan ay nauna nang magbukas ng klase tulad ng Mabini Colleges at La Consolacion College of Daet.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Umaabot naman sa 271 ang mga papasok sa State College and University (SUC).

Hindi pa kasama sa 162, 975 ang mga papasok  sa Alternative Learning System (ALS) na mayroong 647.

Pagkalipas nga ng dalawang taon na walang face-to-face classes ay muling mapupuno ang mga bakanteng hall at corridor lalo na sa mga pampublikong eskwelahan sa pormal na pagbubukas ng klase simula ngayong araw.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Nauna nang sinabi ni Schools Division Superintendent Nympha Guemo na ipapatupad pa rin ang blended learning sa Quarter 1 pero mas lamang na ang face-to-face classes.

Apat na araw ang magiging face-to-face classes at isang araw naman ang distance learning.

Pagdating naman ng Quarter 2 ay isang daang porsiento nang ipapatupad ang face-to-face classes.

Pero sa Grades 1 to 3 ay limang araw na ang magiging face-to-face classes kahit sa unang quarter pa lang ng taon.