Sa pamamagitan ng programang Cash For Work (CFW) ng Ministry of Social Services and Development – Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MSSD-BARMM) ay nakatanggap ang nasa walong daan at dalawampu’t apat na mga informal workers mula sa lungsod ng cotabato.
Ang mga nasabing informal workers ay nakatanggap ng 2,750 pesos na kinabibilangan naman ng farmers, motorcycle at public transport drivers, magsasaka , carpenters, at construction workers na kung saan ay isa sila sa mga labis na naapektuhan ng pandemya Pagtatanim ng puno, paglilinis sa mga canal at lawa, paghahardin, paglilinis sa kapaligiran sa mga pasilidad ng imprastraktura ay ang mga pangunahing serbisyo na kanilang ilalaan sa kanilang Barangay.
Sa paglalalan ng serbisyo, layunin nito na mas magkaroon ng partisipasyon ang bawat isa nang sa gayon ay mas maging produktibo silang mamamayan sa kani-kanilang komunidad
Magdedeploy naman ang MSSD BARMM ng ilang mga social workers upang imonitor ang mga CFW Program Recipients