CAMARINES NORTE- Nagsimula nang magtrabaho nitong Martes, June 20 ang nasa 76 na estudyante mula sa ibat ibang eskwelahan at mga barangay sa Bayan ng Mercedes sa ilalim ng Special Program for Employment of Student o SPES na kadalasang ginagawa tuwing bakasyon bilang tulong sa mga ito.
Ayon sa Municipal Information Office 20 araw silang mag tatrabaho at ang bawat isa sa kanila ay itatalaga sa ibat ibang tanggapan ng munisipyo .
Papasok ang mga ito katulad ng karaniwang office hour ng mga empleyado.
Makakatanggap ang mga ito ng sweldo pagkatapos ng kanilang trabaho na ang 60 % ay magmumula sa LGU at 40 % naman ay mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Bago sumabak sa trabaho ay sumailalim muna ang mga ito sa orientation na pinangasiwaan ng Public Employment Service Office o PESO.
Umaasa ang LGU na makakatulong ng malaki ang programa upang pagdating ng pasukan ay mayroon na ang mga itong panggastos.
Photo Courtesy: MIO- Mercedes
