LEGAZPI CITY – Arestado ang 40 anyos na lalaki sa isang drug buy-bust operation at matapos ding mahulihan ng hindi lisensyadong baril sa Purok 1, Brgy. San Rafael, Guinobatan, Albay.
Kinilala ang suspek na si Jomar Barrameda y Clidoro, residente ng nasabing barangay.
Pinagbentahan ng suspek ang poseur buyer ng small heat-sealed transparent plastic sachet na may lamang pinaniniwalaang “shabu” sa halagang PHP500.
Nang magkaabutan na ng drug items at pera, dito na inaresto ang suspek at narekober pa sa kanya ang dalawang pirasong suspected “shabu” at Caliber 22 na may kasamang 2 mga bala.
Ang nasabing droga ay may timbang na 0.288 grams na nagkakahalagang humigit-kumulang PHP2,000.
Sa ngayon, ang suspek ay nasa kostudiya na ng Guinobatan MPS habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at Republic Act No. 10591 o Illegal Possession of Firearms.