Mahigit 600 estudyante ng Mabini Colleges nakatanggap  ng first dose  ng COVID- 19 vaccine kahapon

CAMARINES NORTE- Aabot sa mahigit 600 estudyante ng Mabini Colleges ang nakatanggap  ng unang dose ng COVID- 19 vaccine kahapon, November 28 o isang araw bago pa man ang national vaccination day, Bayanihan Bakunahan na magsisimula naman ngayong Lunes.

Ito ang inanunsiyo ng pamunuan ng naturang eskwelahan sa kanilang facebook page bagay na kinumpirma ni acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco sa Brigada News FM Daet.

Maliban sa mga estudyanteng edad 12 hanggang 17 anyos na nakatanggap ng Pfizer COVID-19 vaccine ay mayroon ding mahigit kumulang 50 magulang o guardian ang nabakunahan ng first dose ng AstraZeneca.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Maaga pa lang  kahapon ay  mahaba na ang pila ng mga nagnanais magpabakuna sa Mabini Colleges.

Matatandaan na noong nakaraang linggo rin ay nagkaroon ng pagbabakuna sa naturang eskwelahan.

Ito na ang pinakamalaking bilang ng mga nabakunahan mula nang magsagawa ng pagbabakuna sa iba’t- ibang Tertiary Schools sa lalawigan kung saan una itong ginawa sa Our Lady of Lourdes College Foundation, Camarines Norte School of Law at Camarines Norte State College.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Bago ito ay nagkaroon din ng bakunahan noong Sabado sa La Consolacion College of Daet.

Maliban sa mga estudyante, faculty at staff, binuksan din ang bakunahan sa General Population dahil sa dami ng bakuna.

Ayon kay acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco nagkaroon sila ng pakikipag ugnayan sa lahat ng Tertiary Schools at sa Department of Education para magsagawa ng pagbabakuna sa mga guro, staff at estudyante bilang paghahanda sa face to face classes.