CNPPO, LGU at ibang sangay ng gobyerno nagkaisa sa pagsugpo sa ilang insidente ng nakawan sa bayan ng Labo, Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Nagkaisa para sa iisang layunin ang CNPPO, LGU at iba sangay ng gobyerno upang masugpo at mapanagot ang mga responsable sa ilang mga naitalang insidente ng nakawan sa bayan ng Labo, Camarines Norte

Ito’y resulta ng ginawang pakikipagugnayan ng mga kapulisan sa ilang mga barangay kung saan isinawalat ng mga ito ang kanilang mga naranasang hindi magagandang pangyayari na sangkot ang mga hindi pa nakikilalang tao na nakasuot ng facemask.

Pangunahing tinalakay sa pagpupulong ay ang dumaraming insidente ng nakawan at panloloob sa mga business establishments lalo na sa kahabaan ng  South Road Area na kung saan ayun sa mga nakasaksi at testimonya ng mga nakakita , diumano ang mga suspek ay karaniwang armado at  pwersahang pumapasok sa kanilang mga kabahayan at tindahan upang magnakaw.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ang bawat sangay ng lokal na pamahalaan na dumalo sa pagpupulong ay nagbigay ng mga suhestiyon at panukala upang madaling madakip at matigil na ang ganitong klase ng mga insidente sa bayan ng Labo.

Nagbigay paalala din sa mga residente ang mga otoridad na maging mapagmatyag sa mga kahina-hinalang taong gumagala sa kanilang lugar upang maiwasan ang krimen at upang huwag ng makapambiktima ang mga ito.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

 Nakiusap din ang mga kapulisan na ireport o ipaabot agad sa kanilang himpilan ang anumang insidente upang agad na makapagresponde at madakip ang mga taong sangkot.  

Habang ang kapulisan ng Labo sa pamumuno ng bagong hepe ay nangako na gagawin ang lahat ng makakaya at mas lalong paiigtingin ang police visibillity at pagpapatrolya lalo na sa parteng southroad area.