Mahigit 53k benepisaryo ng TUPAD program ng DOLE Region, nabigyan na ng ayuda

Umabot na sa mahigit 53,000 na mga benepisaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program ng DOLE Region 2 ang nabigyan ng cash assistance.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay DOLE Region 2 Information Officer Chester Trinidad, sinabi niya na maaring madagdagan ang naturang bilang dahil nagpapatuloy ang pay-out sa iba’t-ibang munisipalidad at syudad sa rehiyon.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Sa katunayan aniya, nagkaroon ngayong araw ng pay-out ang mga benepisaryo sa bayan ng Burgos, Isabela kung saan nakatanggap ang 800 beneficiaries.

Habang nakatakda naman ang pamamahagi ng ayuda sa June 16 sa bayan ng Naguilian, June 18 sa bayan ng Reina Mercedes at sa susunod na linggo sa City of Ilagan, Delfin Albano at Cabagan, Isabela.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Hinikayat naman ni IO Trinidad ang mga kabilang sa informal sector na magtungo lamang sa kanilang PESO sa kanilang lokal na pamahalaan para mag-apply.

Samantala, umaabot na rin sa mahigit 63,000 naman na benepisaryo ng CAMP2 na mula sa formal sectors na na-retrench o naapektuhan ng pandemiya ang nakatanggap na ng ayuda.