Lalaki, nalunod sa irigasyon sa Santiago City

Wala nang buhay nang maiahon mula sa irrigation canal ang katawan ng isang lalaki sa Brgy. Batal, Santiago City.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PSSgt. Leo Saltat, imbestigador ng Presinto Dos ng Santiago City Police Office, kinilala ang biktima na si Edmar Leonin, 31-anyos at residente sa nabanggit na lugar.

Nagtungo umano ang biktima kasama ang mga kamag-anak sa naturang irigasyon para magpicnic at nag-inuman.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Aniya, bandang ala-1 ng hapon noong June 14 ay hinanap ng kapatid ng biktima na si Ernesto Leonin si Edmar para kumain subalit dahil hindi nito nahanap ay inakalang umuwi na ang biktima.

Habang lumalangoy naman ang kasama nilang si Joshua Ricardo sa irigasyon ay may nakapa umano siyang tila katawan ng tao.Humingi siya ng tulong para maiahon at nalaman na siya ay si Edmar.

Ayon pa kay PSsgt. Leonin, sinubukan pang lapatan ng paunang lunas ang biktima subalit wala nang buhay.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Posible aniyang lumangoy ang biktima at dahil sa kalasingan kaya nalunod.

Aniya, bagaman mahigpit nilang ipinagbabawal ang magpicnic at magkaroon ng social gathering sa lugar gayundin ng mga barangay official ay mayroon pa rin aniyang mga nagtutungo roon.

Dahil dito ay muli namang umapela ang mga otoridad sa mga residente na sumunod sa mga paalala at panuntunan upang hindi na maulit ang naturang insidente.