LEGAZPI CITY – Mahigit sa kalahating milyong pisong halaga ang nakumpiska ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) Albay sa suspek matapos magpositibo sa buy-bust operation sa Purok 7 Barangay Puro Legazpi City.
Kinilala ang suspek na si Roque Bonavente Bornilla, residente ng Barangay San Lorenzo lungsod ng Tabaco.
Ayon sa report, hapon ng magsagawa ng Anti-illegal Drugs operation ang Pdea Albay sa pangunguna ni Pdea Agent Rodelo sa ilalim ni Provincial Director Noe Briguel sa nasabing lugar kung saan ay pinagbentahan ang poseur buyer ng ilegal na droga dahilan para ito ay arestohin ng mga awtoridad.
Narekober sa kanya ang dalawang pirasong plastic bag na may laman na suspected shabu na may timbang na mahigit kumulang sa 100 gramo na nagkakahalagang P680,000.00, cp, eco bag at iba pa.
Ayon pa dito, matagal na umanong sinusubaybayan ang galaw ng suspek kung saan ito rin ang nagsusupply o nag ooperate umano ng droga sa 1st at 2nd District ng Albay.
Dahil dito nagkaroon ng pagkakataon ang mga ito na magkasa ng operation laban sa suspek kung saan kumagat sa bitag ng mga operatiba na naging dahilan ng kanyang pagkakaaresto ni Bornilla.
Ang mga narekober ay dadalhin muna ito sa RCLO5 para lab examination habang ang suspek ay inihahanda na ang kasong isasampa rito.