Mahigit 500 milyong pisong halaga ng infra projects, pakikinabangan ng mga kasundaluhan sa rehiyon

BNFM Bicol – Inaasahang mapapakinabangan na simula sa susunod na taon ang nasa mahigit kalahating bilyong pisong halaga ng ibat ibang infrastructure projects para sa kasundaluhan sa rehiyon.

Ayon kay MAJ. Frank Roldan, 9ID Public Affairs Unit Chief, naglaan ng aabot sa 545 million pesos na pondo para sa 22 proyekto na itatayo sa iba’t ibang mga kampo at headquarters.

Kabilang na rito ang konstruksyon ng mga mga barracks at iba pang camp facilities gaya ng perimeter fences, guard posts, solar-powered water system at powerhouses with generator sets. Umaasa ang hanay ng philippine army na makakatulong ang naturang mga proyekto sa lalong pagpapalakas ng kakayahan at pag-boost ng morale ng kanilang mga kabaro. ###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *