SORSOGON CITY – Aabot sa P9M na halaga ng settlement claims ang natanggap ng 523 na manggagawa sa lalawigan sa pamamagitan ng mekanismo ng Single Entry Approach o SEnA ng Dept of Labor and Employment-Bicol.
Sa isang pahayag, sinabi ni DOLE Regl Director Zenaida Angara-Campita na ang monetary award ay bunga ng dedikasyon at pagsisikap ng SEnA Desk Officers na nagawang lutasin ang mga umiiral na labor disputes at iba pang isyus o rekalmo na nagmumula employee-employer relationship.
Binanggit pa ni Campita na ang karaniwang tagal ng labor case settlement ay lima hanggang anim na araw lamang.

Hinikayat ni Campita ang mga empleyado sa paggamit ng SEnA sa conciliation-mediation upang maiwasan ang magastos na proseso ng paglilitis.
Aniya pa, hindi hadlang ang paghahatid ng serbisyo dahil sa dulot ng pandemya dahil isinasagawa na ang SEnA virtually kung kaya’t hindi na kailangang bumisita ang magkabilang panig sa SEnA Desk Office para maghain ng RFA o request for assistance.