Mahigit 500 indibidwal sa Camarines Norte nabakunahan kontra COVID- 19 sa unang dalawang araw nitong linggo

CAMARINES NORTE- Aabot sa 504 na indibidwal ang nabakunahan kontra COVID- 19 sa buong lalawigan ng Camarines Norte sa unang dalawang araw nitong linggo.

Batay ito sa datos ng Provincial Covid- 19 vaccination operation center na inilabas nitong Miyerkules, November 9.

Noong Lunes, November 7 ay nasa 203 ang nabakunahan at 301 naman noong Martes, November 8.

Sa 301 na nabakunahan noong Martes nasa 128 ang nakatanggap ng unang booster shot, 36 na additional dose, 76 ang second dose at 61 naman ang nagpabakuna ng first dose.

Read More:  ₱876,800 smuggled cigarettes seized; 3 arrested in Lanao del Norte

Nasa 286 ang nabakunahan ng Pfizer at 15 naman ang Sinovac.

Pinakamarami ang nabakunahan sa nabanggit na mga araw sa bayan ng Mercedes na may 126, Daet 87, Labo 86, Basud 65 at Paracale 58.

Nakapagbakuna naman ang Jose Panganiban ng 37 indibidwal, Vinzons 20, Sta Elena 13, San Lorenzo Ruiz 6, Talisay 4 at San Vicente 2.

Read More:  7 arrested in Cebu restobar theft case

Walang isinumiteng report sa COVID- 19 vaccination ang Capalonga sa mga nabanggit na araw.

Simula naman sa susunod na linggo ay mas paiigtingin pa ang pagbabakuna dahil sa ilulunsad ang Barangay Suyod Bakuna alinsunod sa kautusan ng Department of Health.