NAGA CITY- 960 na ang naitatalang dengue cases sa buong Camarines Sur ngayong taong 2022, kasama rito ang sa Naga City.
Sa pangkalahatan, 253 na ang kaso sa Naga, 81 sa Pili, nasundan ng Sipocot na may 50 gayundin ang Cabusao na 50 ang naitala. Isa hanggang 45 naman sa iba pang bayan habang wala sa Balatan.
Sa record mula Oct. 9-22, 17 nairecord na nakagat ng lamok na carrier ng Dengue virus.
Ito ay base sa tala ng Department of Health (DOH) Bicol, ang bilang ay pinakamataas sa rehiyon, pinaka malaki rin ang lalawigan sa iba pang probinsya.
Samantala sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Councilor Minay Borja ng Committee on Health sa konseho , sinabi nitong bukod sa mga opisyal ng barangay at residenteng masunurin sa mga ordinansa sa kalinisan, masisipag din ang mga health personnel, hindi lamang COVID-19 ang tinututukan kundi iba pang mga sakit. Isa aniya ito sa posibleng mga rason kung bakit walang kaso ng dengue sa lugar.