Mahigit 50 mga kabataan, nakatanggap ng mga pamaskong handog sa MCC ng Brigada News FM sa Brgy. Puro, Legazpi City, Albay

LEGAZPI CITY – Excitement at kasiyahan ng mga bata ang nadatnan sa Brgy. Puro, Legazpi City nang isagawa ang Mother and Child Care Program sa ilalim ng Brigada News FM kahapon, Disyembre 14.

Nabigyan ng kasiyahan at mga pamaskong handog ang mahigit limampung mga bata sa nasabing aktibidad.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Sinimulan ang programa sa mga mensahe mula sa Philippine Air Force na siyang nagbigay inspirasyon sa mga benepisyaryo.

Hindi rin naman nagpahuli ang mga batang magpamalas ng kanilang mga talento sa pagsayaw ng mga Tiktok Dance na nagbigay aliw sa mga nanonood.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Bago ang paghahandog ng mga regalo, nag-enjoy naman ang mga bata sa iba’t ibang uri ng laro.

Laman naman ng mga regalo ang iba’t ibang klase ng mga kendi, at mga pagkain, at mayroon pang mga kagamitan sa eskwela.

Samantala, labis naman ang tuwa ng mga bata matapos ang nasabing aktibidad.