CAMARINES NORTE- Inanunisyo ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Capalonga sa Camarines Norte na sisimulan na rin ang 4th quarter pay- out ng Social Pension sa Sabado, Disyembre 17.
Tatlong araw ang pay- out hanggang Disyembre 19 na gagawin sa iba’t- ibang venue para sa 2, 067 na benepisyaryo.
Ang Social Pension para sa indigent senior citizens ay karagdagang government assistance sa ilalim ng Republic Act 9994 o ang “The Expanded Senior Citizens Act of 2010”.
Sa unang araw ng pay out ay naka- schedule ang mga Barangay ng Villa Aurora, Villa Belen, San Antonio at Mabini simula alas 8 hanggang alas 10 ng umaga at ang venue ay sa Mabini.
Mula alas 10 ng umaga hanggang alas 12 naman ng tanghali sa mga barangay ng Del Pilar at Binawangan, ala 1 hanggang alas 3 ay ang Mactang at Calabaca kung saan ang venue ay sa huli at alas 3 hanggang alas 5 ng hapon sa Lucbanan at Itok kung saan ang venue at sa huli.
Sa ikalawang araw, Disyembre 18, gagawin ang pay out sa covered court ng Poblacion kung saan naka schedule ang Tanawan, Magsaysay, Old Camp, Alayao, Catabaguangan at Mataque mula alas 8 ng umaga hanggang alas 12 ng tanghali.
Mula ala 1 hanggang alas 3 naman ng hapon ang San Roque, Camagsaan at Ubang sa kaparehong venue.
Sa huling araw, Disyembre 19 ay dalawang barangay lang ang naka schedule at ito ay ang Catioan at Poblacion sa covered court pa din.
Ang pay- out ay mula alas 8 ng umaga hanggang alas 12 ng tanghali.
