Bilang ng mga kaso ng fireworks-related injuries sa Bicol region, inilatag ng DOH Bicol

Inilatag na ng Department of Health (DOH) Bicol ang datos ng mga kaso ng mga nagkaroon ng injuries na may kinalaman sa mga paputok o fireworks noong nakaraang taon.

Sa datos ng ahensya, labing-apat na mga kaso ang naitala sa buong rehiyon noong 2021 kung saan marami rito ay mga lalaki.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Ayon Sa DOH bicol, halos kalahati umano ng mga naitalang kaso sa nabanggit na taon ay mga kabataan, kung saan ang pinakabata sa kanila ay may edad na pitong walong gulang habang limampu’t dalawa naman ang pinakamatanda.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Dagdag pa nito, mayroon ding amputation cases na naitala sa nasabing taon kung saan mayroong mga naputulan ng daliri at bahagi ng paa.

Pinag-iingat ng ahensya ang lahat at inaabisuhang huwag nang gumamit ng mga paputok upang maiwasan na ang ganitong uri ng mga insidente.