Mahigit 50 benipisyaryo ng SPES sa Daraga, Albay, natanggap na ang sahod

LEGAZPI CITY – Nakatanggap ng P6,381 ang 55 benipisyaryo ng Special Program for Employment of Students (SPES) sa Daraga, Albay.

Ito ay ang sahod ng mga benepisyaro matapos na i-deploy sa iba’t-ibang departmento ng lokal na pamahalaan para magtrabaho sa loob ng 20 araw simula Hunyo 10, 2024, kung saan layunin nitong makapagbigay ng pansamantalang trabaho sa mga estudyante kasama na ang mga out-of-school youth at iba pang lubos na nangangailan.

Read More:  63-year-old fish vendor shot in Cebu City by riding-in-tandem gunmen

Sa natanggap na sahod, 60% dito ay mula sa LGU habang 40% naman sa Department of Labor and Employment (DOLE), samantala lubos naman ang pasasalamat ng mga benepisyaro sa kadahilang malaking tulong ang programa lalo na sa pinansyal na aspeto kasama na rin ang maagang pagiging exposed sa working environment kung saan ang mga ito ay nakakakuha ng dagdag na kaalaman na kanilang magagamit sa pang araw-araw at sa panahon ng kanilang opisyal na pagtrabaho.

Read More:  3 Cebu traffic enforcers fired over alleged extortion