Mahigit 4k registered fisherfolk sa bayan ng Mercedes na apektado ng amihan nakatanggap ng ayuda mula sa DSWD

CAMARINES NORTE – Nakatanggap ng ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng Lokal na Pamahalaan ang nasa mahigit apat na libong indibidwal na registered fisherfolks sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte.

Ang mga mangingisda kasi ang mas higit na apektado kapag panahon ng amihan  dahil halos hindi sila  makapaghanapbuhay kapag ganitong mga panahon.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Isinagawa ang pamamahagi ng sabay- sabay sa iba’t-ibang itinalagang lugar na pinangasiwaan ng Municipal Social Welfare and Development simula noong Martea hanggang kahapon  para sa mga Poblacion Barangays at  ngayong araw naman hanggang bukas ay sa river block at coastal barangays.

Humingi ang Lokal na Pamahalaan ng alokasyon ng family food packs sa DSWD Region V.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ang validation ng mga benepisyaryo ay ginawa ng MSWDO at Municipal Agriculturist Office upang makuha ang mga lihetimong registered fisherfolks.

Hiniling naman ni Mayor Alexander Pajarillo sa Sangguniang Bayan na mapondohan ang programang “Tabang Amihanon” para makapagbibigay ng ayuda a sa mahigit-kumulang na 14,000 households sa buong bayan na apektado ng amihan.