SORSOGON CITY – Nadakip ng mga tauhan ng Masbate City Drug Enforcement Unit ang isang hindi lisensyadong security guard na kinonsiderang “newly identified drug personality” sa ginawang buy-bust operations sa Brgy Tugbo lungsod ng Masbate.
Kinilala ang suspek na si Alison Cabael Villfranca, 39-anyos, may kinakasama at naninirahan sa Brgy Espinosa.
Matapos ang bentahan sa pagitan ng suspek at operatiba na nagpanggap ng buyer, nakumpiska dito ang 6 na sachet ng hinihinalang shabu, ang buy bust money at isang homemade shotgun na kargado ng tatlong bala.
Mahaharap ang suspek sa kaukulang kaso na may kinalaman sa iligal na droga at pagmamay-ari ng hindi lisensyadong baril.

