Online special study permit para sa mga dayuhang nais na mag-aral sa bansa, inilunsad ng BI

Inilunsad ng Bureau of Immigration ang kanilang online application para sa Special Study permit sa mga dayuhang nais na mag-aral sa bansa.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, bahagi iyo ng modernization effort ng ahensiya na umaayon sa “Bagong Immigration towards the Bagong Pilipinas.”

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Ang SSP ay ipagkakaloob sa mga foreign students na susunod sa kanilang pamantayan, kabilang ang mga estudyanteng wala pang labing-walong taong gulang, naka-enroll at tinanggap sa isang non-degree course, naka-enroll at tinanggap sa course na mas mababa sa isang taon, o isang trainee o intern na kumukumpleto ng degree course.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Dagadag pa rito, ang mga estudyanteng naka-enroll sa aviation o flying school para makumpleto ang kinakailangang bilang ng kanilang flying hours ay eligible rin sa SSP.

Maaaring mag-apply ng permit sa pamamagitan ng BI’s online services portal sa e-services.immigration.gov.ph.