Mahigit 400 benepisyaryo ng DSWD Bicol Project LAWA at BINHI sa dalawang bayan ng Catanduanes, tumanggap ng cash assistance

BNFM BICOL- Tumanggap ng cash assistance ang nasa 492 na mga benepisyaryo ng DSWD Bicol Project LAWA at BINHI sa mga bayan ng Caramoran at Pandan, Catanduanes. Nagkakahalagang PHP 7,900 ang natanggap mula sa PHP 3.9 milyon na pondong naipamahagi ng DSWD Bicol sa mga benepisyaryo sa mga nabangit na mga bayan.

Ang Project LAWA at BINHI ay naglalayong palakasin ang kakayahang mag-adapt ng mga mahihirap at bulnerableng pamilya sa panahon ng matinding tagtuyot, upang mabawasan ang epekto ng kakulangan sa pagkain at tubig na dulot ng pagbabago ng klima. Magpapatuloy ang DSWD Bicol sa pamamahagi ng cash assistance sa tatlong iba pang lokal na pamahalaan sa Catanduanes at 10 partner LGUs sa Masbate at Sorsogon sa mga susunod na araw, na inaasahang matatapos bago matapos ang Hulyo.

Ang mga benepisyaryo ay kinabibilangan ng mga pamilya ng magsasaka, mangingisda, katutubong pamayanan, at iba pang pamilyang bulnerable sa klima at sakuna na tinukoy ng Listahanan 3 o sa pamamagitan ng pagtatasa at pag-validate ng Local Social Welfare and Development Office (LSWDO). ### Rumer Grant, Intern

Photo Courtesy of DSWD Field Office 5 – Bicol Facebook Page

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *