CAMARINES NORTE- Nagpaabot ng pasasalamat kahapon si Diocese of Daet Bishop Rex Andrew Alarcon sa mga nag- alay sa misa sa nakaraang pagdiriwang ng Corpus Christi Sunday noong June 7, 2021.
Ayon sa Obispo dahil sa mga inihaing handog partikular ang mga nagsimba sa Holy Trinity Cathedral ay nakapagbigay ng tulong ans simbahan sa nasa 43 pamilya sa Purok 2 at 3 ng Barangay Gahonon dito sa Daet.
Bukod dito nabiyayaan din ang Our Lady of Guadalupe Orphanage na matatagpuan sa Barangay Mabilo sa bayan naman ng Labo.
Bigas, gulay canned goods at iba pa ang ibinigay sa mga lubhang nangangailangan.
Para sa mga katoliko, isang tradisyon ang paghahandog o pagdadala ng alay sa simbahan kapag sumasapit ang kapistahan ng Corpus Christi kung saan inihahandog nila sa altar ang ani o bunga ng kanilang pinagpaguran.
Kung maalala ay nagbukas naman ng Community Pantry na tinawag na Kindness Station ang Parish of St. Raphael the Archangel sa bayan ng Basud noong nakaraang Linggo.
Ang mga ganitong hakbang ay malaking tulong lalo na ngayong nararanasan ng marami ang hirap ng buhay dahil sa pandemya.

