CAMARINES NORTE – Isang 5 taong gulang na batang lalake ang nakabilang sa mga nagpositibo sa COVID- 19 sa bayan ng Talisay batay sa ipinalabas na Official Statement ni Mayor Donovan Mancenido kaugnay sa mga naitalang nagpositibo sa sakit sa naturang bayan
Siya si Bicol No 13518 na walang travel history at hindi alam kung paano nakuha ang sakit. Nagpositibo ang resulta nito sa RT PCR swab test noong May 31 at kasalukuyang nakaquarantine
Bukod dito ang iba pang bagong kaso ng COVID- 19 sa naturang bayan ay isang 19 anyos na babae na si Bicol No 12526, 36 anyos na lalaki na may local code na Bicol #13828, 15 anyos na babae na si Bicol No. 14312, 45 anyos na lalaki na s Bicol No. 14313 at 68 anyos na babae na si Bicol #14315
Ang mga pasyenteng nabanggit ay pawang mga aymptomatic at kasalukuyan ngayong nakaqurantine sa mga itinagalaga sa kanilang pasilidad
Isa ang bayan ng Talisay sa marami ngayong naitatalang positibong kaso ng sakit kung kaya’t paalala ni Mayor Mancenido, panatilihin ang pagsusuot ng face mask, face shield at social distancing
Tiniyak naman ng naturang alkalde na ang lahat ng mga colose contact ng nagpositibo ay kasalukuyan ng nakaquarantine

