Kagawaran ng pagsasaka sa Catanduanes, umarangkada na sa pamamahagi ng mga gardening tools at vegetable seedlings sa mga paaralan

BICOL—Umarangkada na sa pamamahagi ng mga kagamitan sa pagtatanim, mga binhi ng gulay, abono at iba pa ang “Gulayan sa Paaralan Project” ng Kagawaran ng Pagsasaka sa probinsiya ng Catanduanes.

Ayon kay John Carlo Dasigan – Provincial High Value Crops Development Program Focal Person, 80 public school sa islang lalawigan ang kanilang target na mabigyan ng nasabing interventions at ang mga paaralan ng Palta National High School, Buenavista Elementary School, Magnesia at Domingo Elementary School ang ilan sa mga paaralang unang nakatanggap ng mga ito.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Iba’t-ibang binhi ng gulay, dalawang sako ng abuno, gamit sa pagtatanim gaya ng shovel, sprinkler, vegetable twine, bolo at marami pang iba ang natanggap ng mga nasabing paaralan.

Layunin aniya ng proyektong “Gulayan sa Paaralan” na mapukaw ang kaalaman at interes ng mga mag-aaral sa larangan ng agrikultura at pagtatanim na malaking tulong upang makaambag sa produksiyon ng gulay sa lalawigan.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Hangarin din nitong mabawasan ang bilang ng mga malnourish na mag-aaral sa probinsiya sa pamamagitan ng pagpapakilala sa mga gulay bilang masustansiyang pagkain na kinakailangan ng ating katawan.###