Mga umuuwi sa Naga City , pinapamonitor parin

NAGA CITY- Dumarami ang umuuwi sa Naga City base sa S-PaSS (Safe, Swift and Smart Passage) application.

Sinabi ni City Disaster Risk Reduction and Management Officer (CDRRMO) Erming Elcamil na ito ay mauugnay sa Semana Santa at pagluwag ng travel restrictions sa lungsod na nasa ilalim ng Alert Level 1 pati paggaan ng mga patakaran sa  National Capital Region (NCR) sa patuloy na pagbaba ng COVID-19 case.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Inabisuhan ang mga Barangay Officials na huwag makampante, kailangan namomonitor parin ang mga bagong dating.  Bukod dito, pinapaalerto rin ang mga opisyal sa mga lugar na mayroong dinarayong resort.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Mababatid na pinulong na ng City Government ang mga pisyal sa Naga para sa mapayapa at ligtas sa sakit na Semana Santa.