Gobyerno, pinaigting ang COVID-19 vaccine orders, deliveries

Paiigtingin pa ng gobyerno ang orders at deliveries ng mga bakuna laban sa COVID-19 sa gitna ng patuloy na pagtaas sa mga kaso.

Kaugnay nito, nasa 22 million doses ang kabuoang inaasahang darating sa bansa ngayong buwan.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez, isinulong ng mga opisyal ang “renegotiations” sa mga vaccine suppliers para mapataas ang target delivery.

Nitong linggo lang, nakatanggap ang Pilipinas ng shipments mula sa Pfizer, Hayat-Vax o ang Sinopharm na binuo sa United Arab Emirates at Sinovac vaccines.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Maliban sa mga karagdagang deliveries ng naturang brands, sinabi ni Galvez na makakakuha rin ang bansa ng bagong suplay ng Moderna doses sa mga susunod na araw. // MHEL PACIA-TRINIDAD