LEGAZPI CITY – Aabot sa 367 na mag-aaral ang lumahok sa isinagawa na Youth Info Drive sa pamamagitan ng video teleconferencing sa Oas Community College.
Pinangunahan ang nasabing aktibidad ng 9th civil-military operations (kaagapay) Battalion, 9th infantry (SPEAR) Division ng Philippine Army ng information awareness drive.
Layunin nito ay makaiwas ang mga kabataan sa panlilinlang ng mga rebeldeng grupo at hindi na makaanib sa new peoples army.
Adhikain ng aktibidad na linahukan ng mga kabataan na mapalawak ang kaalaman ng mga mag aaral sa modus operandi ng Communist Terrorist Groups (CTGs) kasama na ang pagsasamantala sa kabataan at mapanlinlang na pangangalap sa mga mahihinang komunidad at mga institusyong pang-edukasyon.
Bukod rito, ipinakita rin ang katotohanan sa likod ng mga kalupitan at hindi makataong gawain ng teroristang grupo.
Dumalo rin ang dating rebeldeng si “Ka Bal” upang magbigay ng kanyang testimonya tungkol sa kanyang buhay at mga karanasan noong siya ay nasa NPA pa. Ito ay upang hikayatin rin ang mga kabataan na tanggihan ang maling ideolohiya ng CTG.
Ang aktibidad na ito ay nagsilbi ring forum para sa mga mag-aaral ukol sa kanilang mga katanungan patungkol sa CPP-NPA-NDF recruitment.