NAGA CITY- Nakita ng pamahalaan ng Lukban , Quezon ang mga best practices ng Naga City People’s Mall o ang pampublikong merkado ng Naga City.
Kwento sa Brigada News FM ni Market Superintendent Mon Florendo, 2018 nang bumisita sila sa merkado ng Lukban, nakita nila ang malawak na pamilihan subalit kakaunti ang negosyante sa ikalawang palapag habang ang NCPM puno mula ground floor hanggang 3rd floor. Kung kaya inalam ng mga opisyal ng Lukban kung ano ang mga pamamaraan upang maging masigla ang pagnenegosyo sa pampublikong merkado.
Sa pagbisita ng mga department heads ng Lukban , mga opisyal sa merkado pati environment office at marami pang iba isa sa mga nabatid noong Sabado Abril 2, 2022 ang ang co-management ng Naga Market Stallholders Federation at Market Enterprise Office ang susi. Very active ang engagement ng private at public sectors, organisado ang mga grupo; pasalubong center association, rice section, fish and meat sections , fruit section at marami pang iba. Parte rin ang mga vendors sa pag dedesisyon sa mga market policies, hindi sa kung ano lamang ang ipapatupad ng LGU.
Bukod dito , hinangaan din ang “Bantay-Timbangan”. Ang programang ito ay matagal nang ginagawa ng NCPM upang masiguro na hindi mandaraya ang mga negosyante.