LEGAZPI CITY – Pumalo sa mahigit sa 300 katao ang naaresto ng mga otoridad dahil sa ilegal na pagsusugal sa rehiyong Bicol.
Sa inilunsad na One Time Big Time Operation ng Police Regional Office 5, nahuli ang 357 na mga indibidwal sa rehiyon.
Pinakamaraming nahuli sa lalawigan ng Masbate na may 82 indibidwal na naaresto, 66 saAlbay, sinundan ito ng Camarines Sur na may 65, Sorsogon na may 61, Camarines Norte na may 37, 30 sa Catanduanes at 10 sa Naga City.
Ang mga suspek ay nahuling naaktohang naglalaro o nakikisali sa ilegal na sugal tulad ng cara y cruz, tongits, mahjong, rotation billiards, mga laro gamit ang dice at iba pa.
Inihahanda na ngayon ang mga kasong paglabag sa PD 1602 o ang Anti-Gambling law laban sa mga suspek.
Ang mga operasyong ito ay nagresulta din sa pagkakakumpiska ng 50, 923 halaga ng bet money.