Lolo, arestado matapos nitong makasuntukan nito ang isang sanitation aide sa Daraga, Albay

LEGAZPI CITY – Kasagsagan ng kafiestahan sa bayan ng Daraga, Albay kahapon nang arestuhin ang isang 62-anyos na lolo matapos makasuntukan ang isang sanitation aide sa T-Perez St., Brgy. Market Site, ng nasabing bayan.

Kinilala ang suspek na si Senen Vibar Ombao, residente ng Brgy. Bagtang, Sagpon ng kaparehong bayan, habang ang biktima naman ay si Josue Candoy residente ng Pag-asa St., Brgy. San Roque.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Ayon sa report, umaga nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at suspek na nauwi sa suntukan.

Sa hindi inaasahan, mayroong dala-dala ang suspek na paper cutter, kung saan winasiwas nito sa biktima dahilan para magtamo ng pinsala sa katawan.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Mabilis na nahuli ang suspek matapos maabutan ng rumespondeng otoridad sa lugar at agad namang dinala sa RHU Daraga ang biktima upa.g bigyan ng paunang lunas.

Napag-alaman na posibleng ang dahilan ng kanilang pagtatalo ay love triangle.

Dinala na ang suspek sa Daraga MPS para sa kaukulang disposisyon.