LEGAZPI CITY – Umabot sa tatlong daan at limampu’t apat na examinees mula sa Bicol region ang lumahok sa isinagawang 2022 Nationwide Qualifying Examinations para sa Fisheries Schoolarship Program ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Pinakaraming naitalang bilang ng mga aplikante sa examinasyon ay sa lalawigan ng Sorsogon na may 102 examinees; na sinundan ng Camarines Sur na may 91; Albay na may 66; 42 naman sa Masbate; Catanduanes na may 34 at sa Camarines Norte na 19.
Sa isang panayam sinabi ni Rowena Briones, FSP Coordinator ng BFAR Bicol, inihayag niyang wala naging aberya at maayos na isinagawa ang nasabing examinasyon.
Kung ikukumpara umano nitong nakaraang taon ay mas marami pa rin ngayon taon ang lumahok sa nabanggit na examinasyon.
Inaasahan naman na maipapadala na ang test material mula regional office patungo sa BFAR Central Office.
Sinabi pa ng opisyal, ipapadala ang resulta ng pagsusulit sa pamamagitan ng email address or contact details ng mga examinees sa ikatlong linggo ng buwan ng Enero taon 2023.
Samantala, aabot sa dalawampu’t anim na slot sa rehiyon ang kanilang kukunin para sa fisheries shoolarship program.