Halos 327 na barangay sa lalawigan ng Sorsogon ang idineklara ng PDEA na ‘drug cleared,’ ayon ito sa ulat ng PRO5.
Sa pahayag ng tagapagsalita ng PRO5 na si PMaj Malu Calubaquib, sa 3,471 barangay sa Bicol, 2,793 dito ay apektado ng iligal nadroga habang ang 2,270 ay idineklarang drug-cleraed na at ang 523 barangays ay nasa ilalim pa rin ng assessment ng mga awtoridad.
May kabuuang 678 na barangay sa rehiyon na hindi apektado ng iligal na droga.
Dagdag pa ni PMaj Calubaquib, ang lalawigan ng Albay ang may naitalang pinakamaraming barangay na may idineklarang drug-cleared na umabot sa 558; Camarines Norte – 232; Camarines Sur – 551; Catanduanes – 232, Masbate – 358 habang ang Naga City ay may naitalang drug cleared na 12 barangay.
Paliwanag ng opisyal, ang drug cleared barangay ay tumutukoy sa isang lokalidad na dati ay ikinategorya bilang drug-affected ngunit sumailalim sa drug clearing program at opisyal na idineklara na drug-cleared ng Reg’l Oversight Committee on Barangay Drug Clearing.
