BNFM BICOL—Patuloy namang muli sa pagdami ang mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa Bicol makaraang maitala kahapon ang nasa 361 mga bagong kaso ng sakit sa rehiyon.
Batay sa ulat ng Department of Health, mula sa naturang bilang, 210 nito ang mula sa lalawigan ng Camarines Sur kung saan 88 dito ang naitala sa Naga City; 18 sa bayan ng Cabusao; 17 sa Calabanga; 12 sa Iriga City; 11 sa bayan ng Pili; tag-pito ang Libmanan at Sipocot; tag-anim na kaso ang Pasacao at San Fernando; lima sa Milaor; tag-apat ang Baao at Canaman; tatlo sa Nabua; tagda-dalawang kaso ang Buhi, Bula, Del Gallego, Garchitorena at Lagonoy habang may tag-iisang kaso naman ang mga bayan ng Bato, Camaligan, Caramoan, Gainza, Goa, Minalabac, Ocampo, Presentacion, Ragay, San Jose, Tigaon at Tinambac.
Umabot naman sa 83 ang mga bagong kaso sa probinsya ng Albay kung saan 28 nito ang mula sa Legazpi City; 23 sa bayan ng Daraga; 11 sa Ligao City; sampo sa Camalig; tatlo sa Tabaco City; dalawa sa Polangui at tag-iisang kaso ang mga bayan ng Bacacay, Guinobatan, Malilipot, Oas, Pio Duran at Tiwi.
Sa lalawigan ng Sorsogon, 59 ang mga bagong kaso ng COVID-19 kung saan 20 nito ang mula sa Sorsogon City; 15 sa Irosin; tagpitong kaso ang Bulan at Donsol; apat sa Gubat; dalawa sa Prieto Diaz habang tag-iisa ang mga bayan ng Bulusan, Casiguran, Castilla at Juban.
Samantala, tatlong kaso naman ang naidagdag sa Camarines Norte na mula sa mga bayan ng Basud, Labo at Paracale.
Pawang nakapagtala naman ng tag-isang kaso ang mga islang lalawigan ng Catanduanes na mula sa bayan ng San Miguel habang taga Masbate City naman isang kasong naitala sa Masbate.
Bukod dito, apat na kaso naman ang mula sa labas ng Bicol ngunit dito naitala sa loob ng rehiyon.
Bunsod nito, pumalo na sa 48,322 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol kung saan 3,124 sa mga ito ang aktibong kaso.
Nasa 120 naman ang naidagda sa bilang ng mga gumaling kung kaya’t umabot na sa 43,198 ang COVID-19 recoveries sa rehiyon habang isa naman ang naidagdag sa bilang ng mga nasawi kung kaya’t sarado na sa 2,000 ang COVID-19 fatalities sa rehiyon.###