Mahigit 2K residente, apektado sa pagsabog ng Bulkang Lewotobi Laki-Laki

Mahigit 2,000 residente ang inilikas sa mga pansamantalang tirahan sa gitna ng mas mataas na aktibidad ng isang bulkan sa silangang bahagi ng Indonesia.

Ayon sa Center for Volcanology and Geological Hazard Mitigation (PVMBG), ilang beses nang pumutok ang ng Mount Lewotobi Laki-Laki sa lalawigan ng East Nusa Tenggara nitong mga nakaraang linggo,.

Read More:  62-year-old OFW dies in highway crash in Taiwan

Ang mga abo ng bulkan mula sa kamakailang mga pagsabog ang nag-udyok sa mga residente na lumikas, kung saan naapektuhan ang dalawang sub-district malapit sa bulkan.

Read More:  Brazil fines TikTok $30-M over alleged failure to protect minors

Sa ngayon, mayroong 1,931 evacuees sa Wulanggitang at 328 evacuees sa Ile Bura, ngunit maari pa ring tumaas ang bilang nito habang mas dumarami pang naghahanap ng pansamantalang matitirhan.