Guard na nagpaputok ng baril sa pagsalubong ng 2024, iniimbestigahan ng QCPD

Iniimbestigahan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang security guard na nagpaputok ng baril sa Quezon City sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Read More:  Nearly a year after Tino, home remains out of reach for 115 La Castellana families

Patikular na inaalam ng naturang istasyon kung bakit naiuwi ng security guard ang baril na pagmamay-ari ng security agency.

Napag-alamang lasing ang suspek habang nagpapaputok ng baril sa Baesa Road, lungsod ng Quezon.

Read More:  Delivery rider dies in Cebu motorcycle-dump truck crash

Nahaharap ngayon ang security guard sa reklamong paglabag sa R.A. 11926, o Indiscriminate Discharge of Firearms, at R.A. 10591, o Comprehensive Firearms and Regulation Act.