SORSOGON CITY – Kinumpirma ng Provincial Government ng Sorsogon na aabot sa 2,560 mga indibidwal ang target beneficiaries na nakatakdang magclaim ng kanilang Educational Assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngayong araw ng Sabado Setyembre 3, 2022.
Ayon kay Sorsogon Provincial Information Officer Salvador “Dong” Mendoza muling gagamitin ang Provincial Gymnasium bilang venue ng distribusyon habang tuloy din ang libreng hot meals para sa benepisyaryo ng asistensya.
Katuwang ang DSWD, muling ipinanawagan ng opisyal na ang nasabing bilang ay yaong mga kinumpirma lamang ng ahensya at naka-schedule na pumunta ngayong araw at hindi para sa mga mag-babakasakali dahil walang walk-in ang ia-accomodate ng DSWD.
Samantala, batay naman sa anunsyo na inilabas ng DSWD Bicol sa kanilang fb page, mga benepisyaryo mula sa Lungsod ng Sorsogon partikular na ang mula sa mga Barangay ng Talisay, Piot at Sirangan gayundin ang mga residente ng Distrito ng Bacon ang naka eskedyul ngayong araw para sa pay out ng nasabing asistensya.
