Runner athlete na tubong Sorsogon City, nagbigay payo sa mga baguhang atleta

SORSOGON CITY – Magkaroon ng disiplina sa sarili.

Ito ang payo ni runner athlete Roy Laudit sa mga baguhang atleta.

Ayon dito sa kahit na anumang pangarap o larangan pinakang susi upang ito ay mapagtagumpayan ang pagkakaroon ng disiplina at determinasyon para sa katuparan nito.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Aniya, sa kagaya umano niyang atleta ang disiplina ay nakapokus sa uri ng kanyang mga kinakain at oras ng pagtulog gayunpaman malaking bagay din umano ang pagkakaroon ng coach na makapagtuturo ng mga kailangan at tamang gawin upang maging mas mahusay sa napiling larangan o sports.

Si Laudit ay tubong Sorsogon City at varsity athlete ng University of the Philippines at kasalukuyang sumasailalim sa pagsasanay para sa isang national competition na kanyang nakatakdang salihan ngayong buwan kung saan ang mapipiling Top 3 ay magko-compete sa ibang bansa kung saan positibo ang atleta na kanyang mapagwawagian para sa kanyang pangarap na mairepresenta ang Pilipinas sa mga internasyonal na kompetisyon.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community