Mahigit 28K naturukan sa unang araw ng national vaccination day

SORSOGON CITY – Iniulat ng Dept of Health Sorsogon na umabot sa 28, 623 katao ang nabakunahan sa unang araw ng national vaccination day.

Sa panayam ng Brigada News FM sa pinuno ng ahensya na si Dr Gladys Escote, sinabi nito na bigo man sila na maabot ang target na mahigit 50K ay malaking bagay na umano ito kung saan nakita nila ang pinakamaraming nabakunahan sa loob ng isang araw at dinagsa ang mga vaccination sites ng gustong magpabakuna.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal
Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Nauna nang sinabi ng opisyal na target nilang maabot ang herd immunity ng lalawigan bago magtapos ang Nobyembre o Disyembre.

Sa ngayon, nasa 30% vaccination rate pa lang ang naaabot ng lalawigan.