13 bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Bicol Region nitong weekends

BNFM BICOL- Patuloy sa pagbaba ang bilang ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa Bicol Region.

Sa ngayon ay umabot na lamang sa 3,549 (7.59%) ang aktibong kaso ng sakit mula sa 46,746 na kabuuang kaso.

Nitong weekend, 13 bagong kaso lamang ang naitala kung saan anim ang nadagdag noong Sabado habang pito naman kahapon araw ng Linggo.

Nitong araw ng Sabado, nakapagtala ng dalawang kaso ng sakit ang lalawigan ng Catanduanes kung saan isa dito ang mula sa bayan ng Bato at isa naman sa bayan ng Gimoto.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Dalawang kaso rin ng ang naitala sa Camarines Sur, kung saan isa sa lungsod ng Naga at isa rin sa bayan ng Presentation. 

Isa rin ang naitala sa lalawigan ng Sorsogon na mula sa bayan ng Matnog habang isa naman sa probinsya ng Albay na nagmula sa bayan ng Daraga.

Samantala, kahapon naman araw ng Linggo,  ay nakapagtala ng limang karagdagang kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng Camarines Sur kung saan apat nito ang mula sa Naga City habang isa ang mula sa bayan ng Bombon.

May tig isang bagong kaso rin na naitala sa lalawigan ng Sorsogon mula sa bayan ng Castilla at lalawigan ng Albay mula naman sa bayan ng Tabaco.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Samantala, 41 ang bilang ng mga bagong gumaling na naitala nitong weekend kung saan 30 nito ang mula sa Albay, tatlo sa Catanduanes at dalawa sa Sorsogon.

Bunsod nito umabot na sa kabuuang 41,305 ang total recoveries sa COVID-19 sa rehiyon.

Naitala naman kahapon ang siyam na mga bagong kaso ng pagkasawi na pawang mula sa Albay.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng DOH Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.###