Mahigit 22K, nananatili ngayon sa mga evacuation centers dahil sa epekto ng Southwest Monsoon at LPA

Mahigit sa 22 thousand na mga indibidwal mula sa 7 rehiyon sa bansa ang nananatili ngayon sa mga evacuation centers s dahil sa epekto ng Southwest Monsoon at Low Pressure Area.

Sa ulat ng NDRRMC,ang bilang ay mula sa kabuuang 572,997 individuals affected sa mga rehiyon ng MIMAROPA, Region 7, 9, 10, 11, 12, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Read More:  Marcos signs five-year barangay, SK term law, moving 2026 elections to 2028

Nananatili naman sa 7 ang bilang ng mga iniulat na nasawi, kung saan 4 ang kumpirmadong nasawi sa Region 9, at isa sa Region 10.

Read More:  Palace says US call to leave ICC will not affect Duterte trial

Habang patuloy pang bineberipika ang isang iniulat na nasawi sa Region 11 at isa sa BARMM.