Guo, wala umanong karapatang pagsabihan ang mga senador sa dapat nilang gawin – SP Chiz

Nilinaw ni Senate President Chiz Escudero na karapatan naman talaga ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na magsalita hinggil sa mga isyung ipinupukol sa kanya.

Ngunit sa kabila nito, mariin niyang ipinunto na wala ito sa lugar na pagsabihan ang sinumang miyembro ng Senado kung ano ang dapat nilang gawing prayoridad.

Read More:  Marcos signs five-year barangay, SK term law, moving 2026 elections to 2028

Kasunod ito sa iminungkahi ni Guo sa mga senador na magpokus na lang sa ilang problemang nararanasan ng bansa tulad ng national security, unemployment, food shortage at maging human rights violations.

Ayon kay Escudero, hindi na siya gulat sa mga sinabi ni Guo dahil natural na umanong ipagtatanggol nito ang kanyang sarili dahil siya ang tinatamaan sa isyu nito.

Read More:  VP Sara Duterte denies Gracioso cash delivery claims

Maalala, matapos ang naging post ni Guo ay pinatutsadahan naman siya agad ni Senadora Risa Hontiveros na mas marami pa ang post niya sa social media kaysa sa pagdalo nito sa mga pagdinig.