Mahigit 200K target ng SSS na makolekta sa 8 employer sa bayan ng Daet  na isinailalim sa RACE

CAMARINES NORTE – Target ng Social Security System (SSS) na  makakolekta ng mahigit 200 libong piso sa walong employer dito sa bayan ng Daet na isinailalim sa Relief Afforded to Challenged Employers (RACE) kamakailan.

Sa panayam ng Brigada News FM, inihayag ni SSS Daet Branch Head Ermina Maria Robredo na sa walong employer na sinilbihan ng show cause order noong March 22 nitong taon, anim ang non- remittance ang violation at dalawa naman ang non- registration.

Ngayong taon ay 12 operations ang target gawin ng SSS at 5 employer sa bawat operasyon.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Layon ng RACE na itanim sa mga employer ang kamalayan at disiplina kaugnay ng kanilang obligasyon na magrehistro ng negosyo, mag- report at mag- remit ng SSS contributions ng kanilang mga empleado.

Ang mga isinailalim sa RACE ay mayroong 15 araw para i- settle ang kanilang obligasyon at may installment options naman na ibinibigay ang SSS.

Noong 2022, anim na employers ang isinailalim sa RACE na may mahigit 50 empleadong involve na ang contribution kasama na ang penalty ay umabot ng mahigit 592,000. Ang mga ito ay nag- settle na ng kanilang obligasyon.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Noong 2023 namay ay 18 employers ang isinailalim sa RACE kung saan halos isang daang empleado ang involve at ang collectibles ay umabot ng halos isang milyon.

Sa 18 employer, 12 dito ang fully settled, tatlo ang on going pa ang pagbabayad at ang dalawa naman ay nasa piskalya na ang kaso.

Mayroon din namang isinasailalim na sa Warrant of Distraint, Levy and Garnishment (WDLG). Ginagawa ito kapag umabot sa 100,000 o higit pa ang delingquency.