Satellite voter registration muling aarangkada sa ilang barangay ng Basud ngayong Abril

CAMARINES NORTE – Aarangkada muli sa bayan ng Basud, Camarines Norte ang satellite voter registration sa mga barangay ngayong Abril matapos ang holy week break.

Ayon sa Commission on Elections, anim na barangay ang nakatakdang tunguhin ngayong buwan.

Kabilang sa mga tutunguhin ngayon ng Comelec ang dalawang malayong barangay ng highway block.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Una sa listahan ang Barangay San Pascual sa April 5 na gaganapin sa Barangay covered court, gayundin sa Tuaca sa April 6.

Simula naman sa April 12 ay balik sa river block ang Comelec at ang na sa listahan ay ang Mangcamagong at kinabukasan naman, April 13 ay ang Mocong.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Sa April 20 naman ay ang Barangay ng Oliva at sa April 27 ay sa Barangay Laniton.

Ang sateliite registration ay magsisimula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.

Ang Basud ay pangalawa sa may pinakamaraming Barangay sa lalawigan. Sa 29 na Barangay, anim pa lang sa ngayon ang nakapagsagawa ng satellite registration.