Mahigit 20,000 na kabahayan winasak ng bagyong Odette – NDRRMC

Aabot sa 438,000 na indibidwal ang hindi pa rin nakakabalik sa kanilang mga papamahay ilang araw matapos ang paghagupit ng super-typhoon Odette.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesman Mark Timbal karamihan sa dito ay pansamantalang nakatira sa labas ng evacuation centers o di naman kaya ay nakikitira sa kanilang mga kamag-anak o kaibigan.

Read More:  Henry Aguda quits as DICT chief amid controversies

Sinabi ni Timbal na nasa mahigit 20,000 na kabahayan ang winasak ng bagyo habang nasa 34,000 naman ang partially damaged.

Sa kabuoan inihayag ng NDRRMC na nasa 1.8-million tao ang naapektuhan ng bagyong Odette.

Read More:  ₱7.2 trillion 2027 budget wins House approval amid pork barrel allegations

Kabilang sa mga lugar na pina-napinsala ng bagyo ay ang northeastern Mindanao, Western Visayas, Central Visayas, at Palawan.

Samantala sinabi ni Timbal na binebireka pa nila ang balitang mga looting incidents sa mga typhoon-hit areas.