Pumalo na sa mahigit dalawang-daan indibidwal ang naiulat na nasawi sa pananalasa ng bagyong Odette.
Sa consolated report ng Philippine National Police nasa 208 ang kabuoang bilang ng mga casualty na may kaugnayan sa nagdaang kalamidad.

Nagtala ng pinakamaraming bilang ng mga namatay sa bagyo ay ang Central Visayas na may 129, Caraga region na may 41, 24 naman ang nasawi sa Western Visayas. pito sa Northern Mindanao, anim sa Eastern Visayas at isa sa Zamboanga Peninsula.
Kabilang sa mga dahilan ng pagkasawi ng mga biktima ay pagkalunod, nabagsakan ng mga puno at debris, at natabunan ng mga gumuhong lupa dahil sa landslide.
Nakasaad din sa datus ng PNP na aabot sa 239 indibidwal ang nasaktan sa pananalasa ng bagyo habang nasa 52 tao pa ang napaulat na nawawala.