Mahigit 200 pamilya binaha sa Koronadal at Lutayan

KORONADAL CITY — MAHIGIT sa 200 pamilya mula sa dalawang barangay sa bayan ng Lutayan, Sultan Kudarat at Koronadal ang nagsilikas dahil sa malawakang-pagbaha na resulta ng malakas na pagbuhos ng ulan kahapon ng hapon.

Sa bayan ng Lutayan nasa mahigit 170 na pamilya o 800 individuals ang naapektuhan ng pagbaha mula sa mga Barangay ng Tinansang at Palavilla.

Sa panayam naman ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay Punong Barangay Danilo Simtim ng Barangay San Jose, Koronadal nasa 25 pamilya mula sa Lower at Upper Kadidang ng kanilang barangay ang nagsilikas dahil sa pagbaha.
May mga alagang hayop din na namatay matapos tinangay ng malakas na agos ng tubig-baha. Ito umano ang unang pagkakataon na nakaranas ng malawakang pagbaha ang nasabing lugar.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Samantala, inihayag naman ni Koronadal City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO Officer Cyrus Jose Urbano, na mula sa upland area ang mga basura at putol na mga kahoy na dinala ng tubig at naging dahilan ng pagbara at pag-apaw ng tubig sa mga kanal.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Maliban sa Barangay San Jose, umapaw din ang B’lok Creek na naging dahilan ng malawakang pagbaha sa sentro ng lungsod habang may mga landslides din na naiulat sa Barangay Assumpcion.