Mahigit 200 na LSI sa Pio Duran Port sinundo na ng Masbate PDRRMO

SORSOGON CITY – Hindi bababa sa 200 na local stranded individuals (LSI) ang sinundo kahapon, Agosto 25 ng magkasanib na puwersa ng Masbate Pro’vl. Disaster Risk Reduction Management Office, Prov’l Health Office at Prov’l. Social Welfare and Development Office matapos na magpalabas ng utos si Masbate Gov. Antonio Kho na e-rescue ang mga nasabing LSI sa Pio Duran Port sa lalawigan ng Albay.

Ayon sa gobernador, ang mga ito umano ay nabiktima ng mga iligal na van operators na nag-aalok ng serbisyo na walang kaukulang dokumentos mula sa LTO at LTFRB at walang lehitimong ruta.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Hapon nang magsimula ang rescue operations sa unang grupo ng LSI sakay sa MV Padre Pio.

Sa naturang Port ay isinagawa ng Masbate PHO ang libreng antigen test sa mga ito kung saan 10 dito ang nagpositibo sa nasabing test habang ang mga may negatibong test result ay agad na makakauwi at agad na makakabalik sa kani-kanilang bayan sa Masbate.

Matatandaan na ipinatupad ng Pamahalaang Probinsiyal ng Masbate ang ipinalabas na EO No. 26 ng gobernador na nagbabawal na pumasok sa lalawigan ang hindi pa mga bakunado kasama na dito ang mga APORs at NGAs na may mga punsyon o functions sa naturang lalawigan.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Bunsod nito, binalaan ni Kho ang lahat ng magmamatigas ng ulo na huwag magtangka na ilagay sa peligro ang kanilang buhay at buhay ng kanilang kapwa.

Dagdag pa ng gobernador, nananatiling ‘in effect’ pa rin ang kanyang executive order, ang hindi pagsunod dito ay may kahaharaping parusa.

Samantala, pinabulaanan naman ng Masbate PDRRMO na may mga LSIs din sa Pilar Port sa Sorsogon.